Advertisers
LILOAN, CEBU – Arestado ang 12 sabungero kabilang ang isang pulis sa ginawang operasyon ng mga awtoridad sa iligal na tupadahan, Linggo ng hapon sa Cebu city.
Kinilala ang nadakip na pulis na si Staff Sgt. Jun Ernie Lucero Camero, 34 anyos, nakatalaga sa Provincial Plans and Program Units – Cebu Police Provincial Office (PPPU-CPPO) at residente ng Sitio Tabunok, Barangay Cabadiangan, Liloan City.
Ayon kay Police Major Ramil Morpos, hepe ng Liloan Police Station, 5:00 ng hapon nang madakip ang mga sabungero sa Purok Dragon Fruit, Sitio Ka Santos, Barangay Cabadiangan.
Sinabi ng pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa “tupada”, iligal na sabong, sa nasabing lugar at pinangungunahan pa ito ni SSgt. Camero.
Sa pagresponde ng mga otoridad, huli akto ang mga sabungero at dinala sa himpilan ng pulisya. Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa illegal gambling, PD 1602.
Nakuha sa lugar ang manok, tari, 2 bihag na manok, 2 panabong, at P1,500.00 na pusta.
Sa himpilan ng pulisya, humingi ng pasensya si Camero at sinabing libangan lamang niya ang sabong at dahil piyesta rin sa kanilang lugar.