Advertisers

Advertisers

ANNABELLE RAMA SWAK SA CYBERLIBEL NG EX-STAFF NI PACQUIAO

0 226

Advertisers

NAKAKITA ng sapat na ebidensya ang National Bureau of Investigation (NBI) para kasuhan ng cyberlibel ang aktres na si Annabelle Rama sa korte ng Las Piñas nitong Lunes ng umaga.

Nagmula ang naturang kaso sa reklamo ng dating staff ni Senador Manny Pacquiao na si Jayke Joson.

Ayon kay NBI agent Wally Palatao, officer na tumutok sa kaso, nakakita sila ng walong pahayag ni Rama na maituturing na libelous, malisyoso at nakasisirang-puri kay Joson.



“Ang taba-taba mo at mukha kang baboy sa kalalamon ng pera ng boss mo1, ikaw ang anay, uod at cancer sa buhay ni Manny,” ilan sa mga patama ni Rama kay Joson, na ipinost ng showbiz personality sa kanyang social media account.

Naghain na ng counter affidavit si Rama sa NBI kungsaan kinontra niya ang mga alegasyon ni Joson sa reklamo ng dating staff ni Pacquiao.

Nakiusap din noon si Rama sa NBI na dedmahin ang naturang reklamo ni Joson.