Advertisers
NABIGONG depensahan ni Filipino-Japanese Junna Tsukii ang kanyang titulo sa second leg ng Karate 1-Premier League na nagtapos Linggo sa Matosinhos City,Portugal.
Maagang lumabas si Tsukii sa women’s Kumite under 50kg category ng mabigo kay Seden Buger ng Germany, 2-4, sa second round ng kanyang pool. Dinaig nya si Ukranian Yuliia Palashevka, 1-0 sa first round.
Yorgelis Salazar ng Venezuela ang nagbulsa ng gold medal kasunod ng nakamamanghang 6-0 upset kontra No. 1 Serap Ozcelik Arapoglu ng Turkey.
Pinatumba ni Salazar si Tsang Yee Ting ng HongKong 1-1,habang si Ozcelik Arapoglu tinalo si Irene Kontou ng Cypruz, 1-0 sa semifinal para ikasa ang title showdown.
Buger at Sara Leal nagkasya sa bronze medals matapos mapagtagumpayan ang kany-kanyang matches sa repechage round. Dinaig ni Buger si Ting, 3-1, Habang si Leal wagi kontra Kontou, 3-0.
Sa kabila ng talo, Tsukii ay nanateli sa No.4 ayon sa huling tala ng World Karate Fderation (WKF) rankings, sa likuran ni Ozcelik Arapoglu (1) Shara Hubrich ng Germany (2) at Moldir Zhangbyrbay ng Kazakhstan (3).
Bomou sa Top 10 ay sina Miho Miyahara ng Japan, Sara Bahmanyar ng Iran, Bettina Plank ng Austria, Kateryna Kryva of Ukraine, Salazar at Yasmin Nasr Elgewily ng Egypt.
Bago ang Portugal, Tsukii ay lumahok sa first leg ng Karate 1 Premier League sa Fujairah, United Arab Emirates nakaraang Pebrero, Nalagay sa fifth place.
Tsukii, na bronze medalist sa 2018 Asian Games, ay mabunga ang kanyang kampanya nakaraang taon. Nagwagi siya ng gintong medalya sa Karate 1- Premier League sa Portugal (Lisbon) at Egypt ( Cairo) at Golden Belt tournament sa Serbia. Nagbulsa ng silver medal sa Asian Championship sa Almaty, Kazakhstan.
Samantala, Tsukii ay dumating kahapon Martes para samahan ang kanyang teammates na naghahanda para sa parating na Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12 to 23.
Ang national Karatekas ay nagsimula ang kanilang bubble training sa Baguio City noong September nakaraang taon. Bumalik sila sa Manila pagkatapos ng Holy Week at nakatira sa Joy Nostalg Hotel sa Pasig City kung saan sila nagte-training bago umalis patungong Hanoi sa Mayo 15.
May kabouang 15 gold medals ang nakataya sa karate kumpetisyon na gaganapin mula Mayo 18 to 20 sa Ninh Binh Gymnasium.