Advertisers

Advertisers

7 BGY. KAPITAN PINAKULONG NI MAYOR!

0 375

Advertisers

PITONG barangay kapitan ang inaresto dahil sa paninirang-puri na isinampa ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan.

Nakakulong sa pasilidad ng Criminal Intelligence and Detection Group-Central Visayas (CIDG-7) sina Eduardo Cuizon ng Barangay Bankal, Eleonor Fontanoza (Gun-ob), Regina Ibanez (Looc), Triponia Aba-yan (Tungasan), Joselito Tibon (Suba- Basbas), Reynaldo Tampus (Canjulao), at Rosalino Abing (Maribago).

Si Cuizon ay ex-officio member ng Lapu-Lapu City Council bilang presidente ng Association of Barangay Council (ABC).



Armado ng warrant of arrest, nahuli ng joint team mula sa CIDG-7 at Police Station 3 ng Lapu-Lapu City Police Office ang mga naturang barangay kapitan mula sa kani-kanilang lugar.

Ang pag-aresto sa mga ka-pitan ay nag-ugat sa ‘grave oral defamation’ charges o ang CyberCrime Act of 2012 na inihain ni Chan laban sa kanila noong Marso ng taon.



Si Regional Trial Court Branch 53 Judge Anna Marie Militante, ang naglabas ng warrant para sa kanilang pag-aresto, ay nagrekomenda ng pi-yansang tig-P36,000 bawat isa.

Nauna nang nagsampa ng reklamo ang mga punong barangay ng ‘malversation of public funds’ at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Chan, mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC), at ang na-nalong bidder dahil sa umano’y kuwestiyonableng pagbili ng coronavirus disease 2019-related items sa mahigit P47 mil-yon.



Sinabi ng abogadong si James Allan Sayson, tagapangulo ng BAC ng pamahalaang lungsod ng Lapu-Lapu, na isinama nila ang mga probisyon ng cyber libel sa kaso matapos ma-i-post sa social media ang alegasyon laban sa kanila.

Inakusahan ng mga opisyal ng barangay na ang pamahalaang lungsod sa ilalim ni Chan ay bumili ng food at non-food items sa isang furniture supplier.