Advertisers
MANANATILING nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at ilang probinsya mula Hunyo 1 hanggang 15.
Ayon kay Acting Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan, aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon para sa naturang alert status.
Kabilang sa mga nasa Alert Level 1 bukod sa Metro Manila ay ang sumusunod:
Sa Cordillera Administrative Region ay ang Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Baguio City.
Sa Region 1 ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City.
Sa Region 2 naman ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at City of Santiago.
Sa Region 3 ay Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, at Angeles City.
Sa Region 4-B ay Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at Puerto Princesa City.
Sa Region 5 naman ay ang Albay, Catanduanes, at Naga City.
Sa Region 6 ay ang Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo, Bacolod City, at Iloilo City.
Sa Region 7 ay Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City.
Sa Region 8 ay ang Biliran, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc City, at Tacloban City.
Sa Region 9 naman ay ang Zamboanga City.
Sa Region 10 ay ang Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Iligan City.
Habang sa Region 11 naman ay ang Davao City at Davao Oriental. (Josephine Patricio)