Advertisers

Advertisers

HALOS 2M DOSES NG COVID VACCINES MAG-E-EXPIRE

0 216

Advertisers

MAE-EXPIRE na ang halos nasa dalawang milyong COVID-19 vaccine doses sakaling hindi magamit sa June 30.

Ito ang sinabi ni Department of Health undersecretary Myrna Cabotaje pero maglalabas pa ang ahensya ng pinal na bilang ng expiring vaccine sa katapusan ng Mayo.

Dagdag pa ni Cabotaje, nagsumite na ang kagawaran ng demand forecast ng mahigit 30 milyong doses ng bakuna.



Ito aniya ay ang mga pamalit sa mga nag-expire at mag-e-expire pa lamang na bakuna kabilang ang brand na Sinovac, Aztrazeneca at Pfizer.

Samantala, sinabi ni Cabotaje na mahigit 73.7 milyong indibidwal ang nabakunahan ng unang dose habang 69.1 milyon ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">