Advertisers

Advertisers

Tserman, 3 kagawad huli sa SAP anomaly

0 355

Advertisers

Arestado ang isang punong barangay at tatlong kagawad nito sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa anomalya ng pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP), nitong Martes sa Jiabong, Samar.

Kinilala ang mga nadakip na sina PB Gilbert Labendia, 50 anyos; mga kagawad na sina Corazon Labrague, Oscar Godin at Noemi Romano, ng Barangay Malobago, ng naturang bayan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cicero Tuazon Lampasa, acting Presiding Judge ng RTC Br. 27, Catbalogan City, Samar nadakip ang mga suspek sa kasong Anti Graft and Corruption Practices Act RA 3019.



Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Eliseo Cruz, nag-ugat ang kaso ng mga suspek June 2020 dahil sa pinaghati-hatian ng mga ito ang cash assistance distribution na para sana sa mga taga barangay sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Inakusahan din si Labendia na lider ng “Villalinda Group” at miyembro tatlong kagawad na sangkot sa Scam, Estafa, at ibang pang panloloko sa Western Samar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">