Advertisers

Advertisers

Angelika Santiago wish gumanap ng kakaiba at challenging na role

0 390

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

HAPPY ang magan dang Kapuso teen actress na si Angelika Santiago sa kanyang late debut photoshoot. Magkakaroon kasi dapat siya ng party, since ‘di niya na-celebrate ang kanyang birthday last year dahil sa pandemic.
Kuwento niya sa amin, “So ikino-consider ko po siya as late pre-debut ko. Sayang naman po kasi yung mga damit… and since di po natuloy, nag-shoot na lang po. After po nang shoot, kumain na lang po kami sa labas. Para po kasi sa akin, mas better po na safe yung buong family ko. Yun po kasi yung wish ko for my birthday. Kahit po kasi sabihin nating mababa yung cases, nandiyan pa rin po yung covid.
“Kaya as much as possible po, gusto ko safe lahat. ‘Tsaka siguro po yun na ang best na gift sa akin noong birthday ko. Buo yung family ko, safe sila, and nag-enjoy din po.”
Aminado si Angelika na traumatic ang naging epekto sa kanya ng pandemic. Aniya, “Yes po, medyo… especially sa experience ko po kasi ay naapektuhan yung work at pati debut ko. Pero kinakaya naman po dahil siyempre sa gabay ni Papa Jesus.”
Sa future project niya, anong role ang magiging challenging para sa kanya?
Saad ni Angelika, “Sa ngayon po wala naman pong sobrang challenging na role, pero siguro po yung umiyak ako kasama si Tita Matet. Kasi namatay siya, para sa akin po kasi first time ko pong umiyak ng heavy on cam, hahaha! Kaya naninibago po ako.
“Bale, yung kay Tita Matet ay sa Imbestigador po iyon about two months ago na yata.”
Ganyan ba ang gusto niyang magawa in the future, yung may challenge at kakaiba?
“Yes po, hahaha! Actually, yung sobrang out of comfort zone ko po is yung mga action. Sa totoo lang po, nae-enjoy ko yung mga behind the scenes sa mga favorite shows ko na mga actions and ang saya lang talaga,” nakangiting pakli pa ni Angelika.
Sa ngayon ay nasa vacation mode pa si Angelika habang naghihintay ng bagong project.
Si Angelika ang brand ambassador ng GHPC Cosmetics at Glomar and GHPC G-Merchandise na available sa Lazada at Shopee. Ang ilan sa produkto nito ay MARPHEN C vitamins, ascorbic acid, KABOOM! Instant Coffee with Guarana Fruit Extract, KERAcream’ Shampoo-Therapy-Conditioner, B-ing White Glutathione, Jewels Ethyl Alcohol, at iba pa.
For more details, pls. check their Facebook page: GHPC Cosmetics.