Advertisers

Advertisers

63 bagong kaso ng Omicron subvariants naitala pa – DOH

0 175

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Martes na nakapagtala pa ang Pilipinas ng 63 karagdagang bagong kaso ng mas nakahahawang subvariants ng Omicron.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa naturang bilang, 50 ang BA.5 cases; dalawa ang BA.4 cases at 11 naman ang BA2.12.1 cases.

Sinabi pa ni Vergeire na dahil sa 50 bagong kaso ng BA.5, umaabot na ngayon sa 93 ang kabuuang bilang ng BA.5 subvariant cases sa bansa.



Kabilang dito ang 38 na mula sa Western Visayas, lima ang mula sa National Capital Region (NCR), at pito ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Ang 41 na sa pasyente ay gumaling na, apat ang naka-isolate pa habang inaalam pa ang kinahinatnan ng lima pang pasyente.



Samantala, sa dalawang bagong BA.4 cases naman, dalawa ang mula sa Western Visayas at isa naman ang ROF. Kapwa nakarekober na ang mga ito.

Noong nakaraang buwan lamang unang iniulat ng DOH na naitala na nila sa bansa ang kauna-unahang kaso ng BA.4 omicron subvariant case.



Sinabi ni Vergeire na sa 11 bagong kaso naman ng BA2.12.1 subvariant, natukoy na 10 na ang nakarekober habang ang isa pa ay nananatiling under isolation.

Ang pito sa mga pasyente ay mula sa Western Visayas habang ang apat pa ay pawang ROFs.

Bunsod ng mga bagong kaso, ang kabuuang bilang ng BA.2.12.1 cases sa bansa ay 43 na.

Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay biniberipika pa nila ang exposure at travel history ng lahat ng pasyente. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)