Advertisers

Advertisers

Mag-ama brutal na pinatay sa Butuan

0 658

Advertisers

BUTUAN CITY – Ipinag-utos ni Police Regional Office 13 Regional Director Police Brigadier Gen. Romeo M. Caramat Jr., ang hot pursuit operation para sa mabilis na pag–aresto sa salarin sa brutal na pananaga sa Purok-Mabuhay, Barangay Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.

Ang nasabing krimen, kumitil sa buhay ng 23-anyos na si Johnny Avila Sequira at ang kaniyang eight-month-old na anak kung saan kapatid rin ang salarin ng biktima na si Fred Avila Sequira, 33 anyos.

Ayon sa Mainit Municipal Police Station sa Surigao del Norte, pinaniniwalaang may deperensiya sa utak si Fred lalo na’t kung hindi makakain sa tamang oras ng gamot.



Ang biktimang si Johnny Sequira, nagtamo ng sugat sa kaliwang pisngi at sa leeg habang ang kaniyang anak, wala nang ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na nakita sa witness ang salarin na umalis galing sa pamamahay ng biktima dala ang itak at bag, tumakbo ito patungong bukiring bahagi sa nasabing lugar. Daling binusisi ng saksi ang bahay sa mga biktima at nakita na lamang ang mga bangkay na nasa kusina.



Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang ginawang hot pursuit operation sa Mainit Municipal Police Station at 1st Surigao del Norte Mobile Force Company.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">