Advertisers
MAGBIBIGAY ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mag-aaral na mga indigent o mahihirap na estudyante para may ipambili ng school supplies.
Sa darating na Lunes, Agosto 22 ang pagbubukas ng klase kaya naglaan ang DSWD ng pondo.
Sa isinagawang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na may P500-milyon pondo na inilaan ang DSWD sa educational assistance sa mga mahihirap na mga mag-aaral.
Ayon kay Tulfo, kaniyang iniutos sa mga tauhan sa lahat ng mga regional, provincial at satellite office na magsipasok sila simula sa darating na Sabado para mag-distribute ng mga cash assistance simula ngayong darating na Sabado, August 20 na magtatagal hanggang September 24.
Dagdag pa ni Sec. Tulfo, isasagawa ang pamimigay ng tulong pinansyal sa loob ng anim na Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Kailangan aniyang dalhin ang enrollment certificate at school ID. (Vanz Fernandez)