Advertisers
PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa sa pamamaril sa isang basketball court sa Tondo, Maynila, Huwebes ng gabi.
Naaresto ang salarin sa pamamaril na si Joseph l. Ariola, 40 anyos, ng Ugbo St., Tondo.
At ang nasawi ay kinilalang si John Mathew M. del Pilar, 24, ng 110 Simon Ext., Barangay 103, Tondo.
Kabilang sa nasugatan sina Johansel D. Austria,. 18, binata, ng Sora st., Brgy 105, na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan; at Andrea M. Enciso, 18 , ng Brgy. 103, Tondo na tinamaan ng ligaw na bala.
Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center ang dalawang sugatan.
Sa ulat, naganap ang krimen sa pumping basketball covered court sa Brgy 137, Balut, Tondo.
Nagkainitan umano sa basketball ang team ng salarin at kalaban nito hanggang mauwi sa sakitan.
Tinamaan umano sa balikat ang player na salarin ng kalabang team na naging dahilan ng away, pumagitna si Ariola ngunit naitulak siya ng isa sa mga player ng kalabang koponan.
Dahil dito ay bumunot ng baril na nakasukbit sa katawan si Ariola at sunud-sunod na nagpaputok, dahilan para tamaan ang mga biktima.JOCELYN DOMENDEN