Advertisers

Advertisers

Anak ng mayor, 2 pa timbog sa droga

0 293

Advertisers

SWAK sa kulungan ang anak ng isang mayor at dalawa nitong kasama nang madakip sa inilatag na buy-bust operation sa San Carlos City, Negros Occidental noong Miyerkoles (August 17, 2022).

Kinilala ni San Carlos City Police chief. Lt. Col. Jesus Mesahon Jr., ang mga nadakip na sina Nestor Era Jr., 40 anyos, anak ni Calatrava, Negros Occidental Mayor Marilyn Era; Chito Atienza, 46, ng Luzuriaga St., Barangay 6; at Rosalia Nemenzo, 60, ng Barangay Suba, Calatrava.

Ayon sa ulat, nasa loob ng bahay ni Atienza sina Era at Nemenzo nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng una sa Luzuriaga St., 8:20 ng gabi noong Miyerkoles.



Si Atienza ang target ng operasyon nang mahulog ito sa bitag ng pulisya makaraang pagbentahan nito ng droga ang isang undercover na pulis.

Nakumpiska kay Atienza ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at iba pang drug paraphernalias.



Samantala, sinabi ng batang Era na nakisilong lang siya sa bahay ni Atienza para magpatila ng ulan nang dumating ang mga awtoridad, habang kinuha naman ni Atienza si Nemenzo para maglaba ng kanyang mga damit.

Wala pang pahayag ang alkalde kaugnay sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">