Advertisers
ISA na namang bangkay ng babaeng estudyante ang natagpuang palutang-lutang sa Marilao River ilang araw nang ito’y mawala sa Marilao, Bulacan Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Juliana Marie Billones, 20 anyos, first year college student na nakatira sa Barangay Nagbalon.
Ayon sa rekord ng Marilao Police, Agosto 18 nang umalis ng kanilang bahay si Billones.
At nang hindi ito umuwi makalipas ang ilang araw, nag-report na ang ina ng biktima sa pulisya.
Ayon sa Marilao Police, nakita sa CCTV footage ang pagtakbo ni Billones mula sa kanilang bahay nang nakayapak.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pangyayari.