Heart naloka nang kumain ng dumi ng pusa ang alagang aso; Claudine at Mark Anthony nangangamoy balikan
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KILALA si Heart Evangelista bilang stray animal advocate bukod sa PAWS. At ang kanyang Aspin ay tinuring na nitong anak na katunayan ay may papeles ito na Maria Panda Ongpauco Escudero.
Kaya naman anak na ang turing at spoiled dahil ang mga gamit nito ay signature at branded.
Ikinaloka lang ni Heart nang malaman nito na kumain ng poopoo ng pusa na si Mina ang kanyang Aspin dog na si Panda.
“Yakk, bakit kinain mo ang tae ng pusa di nakakasosyal,” tsika ni Heart.
Hinahalik-halikan pa naman daw ng aktres si Panda.
Kaya sa isang post video sa socmed ay makikitang pinagagalitan ni Heart si Panda na tila nagpapaliwanag pa ang aso.
Nag-trending naman ang post na ‘yun ni Heart sa socmed.
Umani ng samu’t saring reaksyon, likes at shares ang nasabing post video.
Sa kanilang pagkain ni Panda ng poopoo ng pusang si Mina ay tila sinusuyo at hinahalik halikan pa rin nito ang among si Heart na kinaaliwan ng netizens sa socmed.
***
MARIING itinanggi at sinagot na nga ni Mark Anthony Fernandez ang di mamatay-matay isyu.
Sa isang panayam sa kanya ng isang blog You Tube channel ay isa-isang sinagot nito ang mga kontrobersyang ikinakabit sa kanya.
Una na nga rito ang paglinaw at pagtanggi sa isang akusasyon na till now ay ikinakabit pa rin sa dating matinee idol.
Noon kasing makulong ito sa Pampanga ay kumalat ang isyu at till now ay patuloy na ikinakabit kay Mark.
Ayon nga kay Mark Anthony, di true na may nabuntis itong guard sa kulungan at nagpa-picture lang daw ito at maraming tao nga raw doon. Isang isyu pa na sinagot nito ay regarding sa sustento sa kanyang mga anak.
Nag-usap na nga raw sila ng mga nanay nito ay magbibigay lang siya kung meron siyang raket na sinang ayunan naman ng kanyang mga ex.
Dahil wala na naman daw dyowa si Mark Anthony kung saan ay mag isa lang ito sa inuupahang bahay sa Pampanga.
Kaya naikonek ng mga YTC ang ex gf nito na si Claudine Barretto na wala na rin commitment.
Ubra naman daw ulit na ligawan nito si Claudine.
Well, well, well…Yun na!