Ate Vi unang nakaalam na buntis si Jessy; Lyca nagpaliwanag, hinambing sa tigre ang mga tiwaling pulitiko
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGPALIWANAG si Lyca Gairanod ukol sa controversial answer niya sa Family Feud nang sumali siya rito at ang kanyang pamilya.
Nilinaw ng singer na wala siyang nais ipakahulugan sa naging sagot niya at idinenay rin niyang ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos ang kanyang tinutukoy.
Nag-viral kasi sa Twitter ang video clip na kuha sa episode ng Family Feud, kung saan tinanong siya kung sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na pulitiko. At ang naging sagot niya ay sa tigre.
Matatandaang kilala sa bansag na “Tiger of the North” si Pangulong Marcos at ito rin ang pakilala sa kanya nitong nagdaang election campaign.
Sabi ni Lyca,”Guys, iki-clear ko lang ‘yung about sa issue na kumakalat nung [August] 15. Actually guys, hindi ko siya tinutugma sa presidente natin and syempre wala naman kaming karanasan [sa Martial Law] or whatever.”
Aniya, naintindihan naman daw niya ang itinanong sa kanya ni Dingdong Dantes ngunit kapag ikaw na raw mismo ang nakasalang ay may pagkakataong mabibigla ka rin sa sagot mo at mabablangko.
“Ang hirap sumagot nang biglaan kasi nga mayroon lang kayong 3 seconds,” dagdag pa ni Lyca.
Hindi rin naman daw niya mapipigilan ang mga tao na magbigay ng opinyon ukol sa nangyari.
“Natatawa nga ako sa mga gumagawa ng isyu. Ginagawa nilang personal or ‘yung iba, hindi maka-move on pero atleast ‘yung presidente natin nakaupo na,” sabi pa ni Lyca.
Kaya naman humingi na rin siya ng tawad sa mga taong na-offend sa kanyang sagot na tigre lalo na kay Pangulong Bongbong Marcos.
***
SA video na in-upload ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano sa kanilang YouTube vlog, ikinwento ng aktres ang naging journey niya nang malamang buntis siya.
Kuwento ni Jessy, “Nararamdaman ko siya morning pa lang, may laman na ‘yung tummy ko.”
Agad daw na tinawagan ni Jessy ang asawang si Luis para bumili ng pregnancy test.
“That afternoon noong nag-test ako, doon na namin nakita na positive,” pagpapatuloy ni Jessy.
Sa pangalawang try nila ng pregnancy kit ay naging malinaw na ang linya at doon nila nakumpirma na talagang finally ay preggy na nga si Jessy.
Isa pa sa mga rebelasyon nila, hindi nila agad sinabi sa kanilang mga pamilya ang pagbubuntis ni Jessy pero isa sa mga unang nakaalam ay ang mommy ni Luis na si Vilma Santos.
Sunod daw na sinabihan nila ay ang mommy naman ni Jessy at dahil excited daw ito ay naibalita na niya ito sa lahat ng kanilang kamag-anak.
Nang sabihin naman daw nila ito sa ama ni Luis na si Edu Manzano ay labis din ang saya nito ay may pa-bouquet of roses pa na binigay kay Jessy.
Sa ngayon ay nasa ika-2nd trimester na ang pagbubuntis ni Jessy.