Advertisers

Advertisers

Taxi driver isinugal ang kita, nagpanggap na naholdap

0 164

Advertisers

DAVAO CITY – Arestado ang isang taxi driver nang magsinungaling na naholdap ito ng kanyang mga pasahero sa Barangay Carmen, Davao City, Sabado ng madaling araw.

Nag-report ang driver sa mga pulis na may dalawang lalaki na sakay ito na may mga kutsilyong dala at kinuha ang kanyang kita sa pamamasada ana P3,700.

Pero nang imbestigahan ng mga awtoridad, walang katotohanan ang mga sinabi ng taxi driver.



Napag-alamang alibi niya lamang ito dahil hindi niya na-remit ang kita mula sa pamamasada nang matalo sa sugal.

Haharap sa kasong ‘unjust vexation’ ang driver.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">