Advertisers
SINIBAK sa puwesto ang pinuno ng Philippine National Police (PNP) Custodial Unit nang ma-hostage si dating Senadora Leila de Lima at napatay ang 3 inmates na Abu Sayyaf Group members na nagtangka tumakas.
“Administratively po ay ni-relieve po natin ‘yung chief ng custodial service unit para sa ganoon po ay malaman po natin kung ano ho ba ‘yung mga naging lapses po sa pag-implement ng security po sa custodial center natin,” saad ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr..
Samantala, inilipat muna si De Lima sa PNP General Hospital nitong Linggo ng gabi.
“Nilipat po natin siya pansamantala sa PNP General Hospital para makapagpahinga po siya, habang inaayos ang kanyang facility kasi doon nga po nangyari ‘yung insidente,” dagdag ni Azurin.