Advertisers
TATLO ang patay at 3 ang sugatan sa pananambang ng rinding in tandem sa Antipolo City, Linggo ng gabi.
Sa ulat ni Colonel Dominic Baccay, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang mga nasawi na sina Andrei Mosquete, Dennis Payla alyas Balingit, at Rodolfo Dela Rosa; sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa ospital sina Eduardo Dumangas , Avelina Dumangas at Gemina Amores.
Ayon sa ulat, 9:20 ng gabi nangyari ang pananambang sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Cabading, Barangay Inarawan. Sakay ang mga biktima ng isang kotse mula sa Sitio Cabading patungo sa bahagi ng Padilla kungsaan sinundan sila ng isang motorsiklo na may dalawang sakay at ang isang Honda Sedan at pinagbabaril.
Patay kaagad sa pamamaril krimen sina Mosquete, Payla at dela Rosa sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Tumakas ang mga salarin patungo sa bahagi ng Baras, Rizal.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na may kaugnayan sa away sa lupa ang motibo ng pagpatay.
Nabatid pa sa pulisya na nahulog sa bangin ang kotseng sinasakyan ng mga biktima. Ang mga residente sa lugar ang humingi ng saklolo sa mga awtoridad para madala sa ospital ang mga sugatan.- EDWIN MORENO