Advertisers

Advertisers

PBBM PINIRMAHAN NA ANG SIM CARD REGISTRATION, BATAS NA!

0 230

Advertisers

PINASALAMATAN ng Kamara de Representantes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ito ay matapos niyang lagdaan bilang batas ang panukalang SIM Registration Act.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hangad lamang ng bagong batas o Republic Act (RA) 11934 na mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga Filipino consumers laban sa laganap na scammers gayundin sa identity thieves.

Diin ng mambabatas, ang paglagda ni PBBM bilang batas ng SIM Registration Act ay ang kauna-unahang panukala na nilagdaan ng kasalukuyang administrasyon.



Ang naturang batas ay kapwa inaprubahan ng Kamara at ng Senado kung saan ang lagda rin ng Pangulo ay patunay lamang ng pagpapakita nito ng kanilang rekognisyon para sa pagkakaroon ng hakbang upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga Filipino consumers laban sa cybercriminals at online scammers.

Ang SIM Registration Act ay pinakamabisang paraan tungo sa pribadong proteksyon ng mga Filipino laban sa mga panghihimasok mula sa mga tiwaling indibidwal na gumagamit ng mga personal data na layuning makapandaya ng mga consumers. (Henry Padilla/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">