Advertisers

Advertisers

Lalaki patay sa taga ng kainuman

0 128

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang tagain ng kainuman nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay Villa Belen, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Rommel Aler y Buhatin, 30 anyos, may asawa; habang ang salarin kinilala lang sa alyas na “Ricky”, 30 anyos, may asawa, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng Capalonga Municipal Police Station, nag-iinuman umano ang salarin at biktima kasama ang kanilang mga kaibigan nang magkaroon ito ng pagtatalo.



Nauwi ito sa pananaga ng salarin sa biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa leeg na siyang naging dahilan naman ng agarang kamatayan ng huli.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang ugat sa naturang pagtatalo na nagresulta sa pananaga at pagkamatay.



Inihahanda na rin ng Capalonga Municipal Police Station ang kasong isasampa laban sa salarin na nasa Camarines Norte Provincial Hospital.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">