Advertisers

Advertisers

Jennylyn at Dennis bumibili na ng mga properties abroad; Paolo dapat lang kamuhian ng mga anak

0 196

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MATAPOS ang pagkakaudlot ng shoot ng unang pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim na Love, Die, Repeat dahil sa pagbubuntis ng aktres.
Pero sa Marso ay sisimulan na ang much-awaited na tambalan nina Jennylyn at Xian.
Kasalukuyang nasa Nevada si Jennylyn kasama ang anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.
Tinignan ng aktres ang nabili nilang property sa Tate na last 2 years pa nila nabili.
At dahil January 22 pa nandun ang mag ina ni Dennis ay sumunod na ito doon.
Sa IG post ng Kapuso actress ay ibinahagi nito ang nabili nilang property sa Tate na napakaganda at mukhang expensive.
November last year nang i-turned over sa kanila ang nabiling property at timing naman ang pagpunta ni Jen doon dahil may uupa na agad.
Baka bago mag-Marso ay magbalik na ang celebrity couple dahil parehong may project na naghihintay sa DenJen.
Habang kumikita sila ay panay ang bili nila ng property for investment.
Itinuring na lucky charm si Baby Dylan dahil maraming blessings dumating sa couple bukod sa Love. Die. Repeat. nina Jennylyn at Xian, may bago ring serye si Dennis na si Bea Alonzo naman ang makakatambal.
Bonggacious!
***
BIGLANG napaamin si Paolo Contis sa pagsalang nito sa Fast Talk ni Boy Abunda.
Matagal na di nito isinawalat na sila na ni Yen Santos pero marami nang nakakatunog na sila na kahit noong sila pa ni LJ Reyes.
Magaling daw magtago sina Paolo at Yen.
At kungdi pa nga raw ito nasalang sa Fast Talk ni Kuya Boy ay di mabubuking na sila na kaya maraming nagtatanong kung paano napaamin si Paolo.
Sa FT kasi ni Kuya Boy na ask nito si Paolo kung Dollar or si Yen.
Mabilis na sagot ni Paolo na si Yen kaya napaisip ang netizens na ‘yun na at alam na this.
Isa pang pag amin ni Paolo ay itong di niya pagbibigay ng sustento sa mga anak.
Katuwiran nito, inipon niya raw ito at para anya naman sa 3 niyang anak ang kanyang inipon na dapat ay sustento nito.
Kaya banat ng bashers, bakit di pa raw noon ibinigay at kailangan ipunin pa kaya malamang maisusumpa at magagalit talaga kay Paolo ang mga anak pag nagsilakihan na siya niyang kinatatakutan.
Well, well, well…’Yun na!