Advertisers
BITBIT ang pagnanais iligtas ang Nueva Esperanza at ipaghiganti ang pagkamatay ni Regina/ Valentina (Janella Salvador), handa na si Darna (Jane de Leon) na harapin ang pinakamantinding giyera na sisindak sa huling dalawang linggo ng “Mars Ravelo’s Darna.”
Nakalatag na ang plano ni Heneral Borgo (Richard Quan) para mapatay si Darna pagkatapos patayin ng kanyang Super Soldiers si Regina. Patuloy naman ang paglaki ng kanyang hukbo dahil isa na ring Extra si Ali (Mark Manicad) na may taglay na laser at heat vision superpower.
Sa gitna ng matinding kaguluhan sa Nueva Esperanza, patuloy naman si Darna sa paghahanda sa kanyang mga kababayan para matutong ipagtanggol ang sarili at tulungan ang isa’t isa. Pero kakayanin pa kaya niyang magwagi sa digmaang ilulunsad ni Borgo at ng kanyang Super Soldiers?
Samantala, dinumog naman ng libo-libong fans ang back-to-back #DarnaCaravan na ginanap sa Vista Mall Bataan at Robinsons Galleria South sa Laguna noong Sabado (Enero 28) at Linggo (Enero 29). Nagpasalamat ang “Darna” cast sa mga manonood sa patuloy nilang suporta at pagmamahal sa programa.
Lilipad din ang “Darna” cast sa KCC Mall sa General Santos City ngayong Biyernes (Pebrero 3) at Ayala Malls Trinoma sa Linggo (Peb. 5) para sa pagpapatuloy ng caravan.
Abangan ang pinakamatinding giyera sa huling dalawang linggo ng “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.