Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
NAKIPAGHUNTAHAN kami thru FB recently sa Kapuso actress na si Angelika Santiago na bahagi na ngayon ng Marikit Artist Management.
Inusisa namin si Angelika hinggil dito.
Aniya, “So, nag-set po ng meeting si Mother Jojo Aleta sa parents ko with tito Manny (Vallester) and tito Lhar (Santiago). And medyo kilala ko rin po si Mother Jojo kasi naka-work na po ng co-stars ko sa Prima Donnas.
“Co-manage po ako kina tito Manny and Marikit, ang head po ng Marikit is si Mother Jojo Aleta.”
Ano ang mga plano sa kanya? May future projects na ba siyang paghahandaan?
Esplika ni Angelika, “Hindi naman po sila nagpa-promise ng future projects agad, kasi ang unang focus po talaga ng Marikit is ma-boost ang social media naming lahat since yun po yung may malaking platform. And also rebranding din po naming lahat, hehehe.
“Ilang months din po kaming nag-plan, grabe! Hahaha! Since last year pa po! So noong launching po parang nakakapanibago yung lahat.”
Ibig sabihin niyan, dapat mas maging active siya sa social media?
“Yes po, first focus po namin is social media. Ang goal po kasi ng Marikit, tulad po ng sabi ni Mother Jojo, gusto nilang mag-bloom po talaga and kahit paano magkaruon kami ng name sa platform.
“Although if may projects naman po di naman po namin dini-deny,” masayang sambit pa niya.
Ano ang pakiramdam na part na siya ng Marikit?
“Blessed po talaga ako na maging part ng Marikit. Kasi kahit starting lang po kami, feeling po naming lahat we made a big progress. And super happy po ako to be part of a wonderful and loving family.
“Kasama ko po sa Marikit sina Barbara Miguel, Jeremy Luis, Charles Angeles, Kyle Ocampo, and Masculados po.
“And yes super close naming lahat, actually. Sila Kyle and Barbara po kasi galing sa mutual friends, kay Elijah (Alejo) po hehehe. And noong nag-meet po kami nag-click na agad yung friendship. Sila kuya Jeremy and Charles po naman very masaya kasama and ka-bonding, also the Masculados po. Sila ang aming mga kuya and para na rin pong tatay hehehe,” nakangiting pahayag pa ni Angelika.