Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA “The Interviewer”ni Boy Abunda, nakapanayam ng King of Talk ang Viva hottie na si Marco Gumabao.
Ayon kay Marco, buong akala raw niya ay isa siyang extrovert na mahilig makipag-sosyalan sa mga kaibigan.
Pero noong pandemic daw ay na-realize niya na isa palang introvert at mas feel niya na nag-iisa lang at mas enjoy na nasa bahay ka-bonding ang kanyang ina at mga kapatid.
Katunayan, aminado siyang isang Mama’s boy na close sa kanyang ina na madalas niyang kulitin.
Hirit pa niya, mababaw din daw ang kanyang kaligayahan.
Masaya na raw siya na nagagawa niya ang kanyang routine tulad ng pagwo-workout, pagkain ng paborito niyang food at pakikipaglaro sa alaga niyang pusa.
May maling impresyon daw ang ibang tao na mayabang siya dahil sa ugali niyang tahimik na hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin.
Gayunpaman, very loyal at protective raw naman siya sa kanyang mga kaibigan.
Big turn off daw para sa kanya ang isang girl na maarte at iyong tipong bilmoko o high maintenance.
Isa rin daw sa ipinagmamalaki niya ay ang katotohanang wala pa siyang narinig na na-nega siya pagdating sa kanyang mga nakatrabaho.
Dagdag pa niya,may idini-date raw siya ngayon pero wala pa raw naman siyang dyowa.
***
Gil at Lexi,
nilantad na magdyowa na
INAMIN na ng Kapuso couple na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales ang kanilang relasyon bilang magdyowa na ikinakilig ng kanilang mga faney sa isang panayam.
Sa naturang interview, ibinahagi rin ni Gil kung paano sila nagkakilala ni Lexi.
Wala kasing clue ang kafaneyan na may nabuo na palang romansa sa dalawa.
Ani Gil, nangyari raw ang lahat nang mag-guest si Lexi sa lifestyle show na “Taste Buddies” na co-host siya ng actress-model na si Solenn Heussaff noong 2020.
“Right before the pandemic, February 2020, she guested on Taste Buddies pero noong time na ‘yon, wala pa talaga. She was just a guest and I was going through like a really sad, soft boy, break up phase and she got to see it. So it’s kind of embarrassing. She saw me in my most unglamorous moment,” pagbabalik-tanaw ni Gil.
Ayon naman kay Lexi, hindi raw siya aware noon na may pinagdadaanan palang heartbreak ang kanyang nobyo.
“I was a bit distracted also parang hindi ko rin napansin na sobrang heartbroken siya at that time kasi I was talking to someone else pa noong time na ‘yon. So magkalayo kami, although, I found him cute naman na that time,” sey ni Lexi.
Matatandaang sa isang episode ng “Mars Pa More”, inamin ni Lexi na siya ang unang gumawa ng move para magkakilala sila ni Gil pagkatapos ng naging guesting niya sa show nito.