Advertisers

Advertisers

60th anniv celebration ni Ate Vi, kasado na sa Dos; Hiniling ni Jane mag-guest sa finale ng ‘Darna’

0 158

Advertisers

Ni JULIE E. BONIFACIO

ALL set na ang selebrasyon para sa ika-60 taong anibersaryo sa showbiz ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Mapapanood ang 60th showbiz anniversary ni Vilma sa ABS-CBN na pinamagatang “Anim na Dekada at Nagiisang Vilma.”
Ayon sa consultant ng showbiz anniversary celebration ni Vilma at veteran writer na si Ed de Leon, sobrang kakaiba ang concept ng showbiz anniversary celebration ni Ate Vi.
Si Ate Vi lang ang natatangi at nag-iisang star on the entire celebration. Pero may mga celebrities din ang inimbitahan for the event. Not to perform on stage but as part of the audience.
Ang King of Talk na si Boy Abunda ang makakasama ng aktres at mag-iinterbyu sa kanya to give her insights sa mga videos ng mga pelikula ng aktres na ipakikita sa malaking screen on stage.
Balik-ABS-CBN si Kuya Boy para kay Ate Vi. Pero bago mag-react ang iba, naipaalam na ni Kuya Boy sa GMA7 ang pagbabalik niya sa Kapamilya network bago pa man siya pumirma ng kontrata sa Kapuso station.
As of this writing, ang tanging production number ay ang pagkanta ni Concert Queen Pops Fernandez ng original song na kinompose para lang sa Star for All Seasons.
Sa Huwebes, February 9, na ang taping ng 60th anniversary concert show ni Ate Vi sa Dolphy Theater at ididirek ni Alco Guerrero.
Pinag-aaralan pa raw ang saktong araw ng TV airing ng “Anim na Dekada at Nagiisang Vilma” sa ABS-CBN.
Target daw nila na umere ang TV special on February 21. Pero pinag-aaralan pa kung kailan talaga ang TV airing from February 19 to 25
Ang long-time friend and producer ni Ate Vi sa dati niyang musical variety show na “Vilma” na si Chit Guererro ang producer ng show katuwang ang ABS-CBN.
Dati-rati (pahiram Sarah G.) ay sine-celebrate ng fans ni Ate Vi, ang Vilmanians, ang kanyang showbiz anniversary tuwing buwan ng Nobyembre. Since November din ang buwan ng birthday ni Vilma. Kaya pinagsasabay nila ang selebrasyon ng birthday at showbiz anniversary ng Star for All Seasons.
Paglilinaw naman ni Ed, February 21, 1963 ang unang araw na nag-shoot si Vilma para sa kanyang launching movie na “Trudis Liit.”
Kaya saktung-sakto ang February 21, kung matutuloy ang TV airing on that day, para sa ika-60 taong anibersaryo sa showbiz ni Vilma.
Naka-set na rin ang unang pelikulang gagawin ni Ate Vi after so many years. Ang last movie na ginawa ni Ate Vi ay ang “Everything About Her” with Angel Locsin and Xian Lim noong 2016.
This year, balik tambalan si Ate Vi sa kanyang perennial screen partner na si Christopher de Leon.
Syempre since almost a decade na walang screen appearance si Ate Vi she made sure na magiging comfortable siya sa set working with her fave leading man. Na walang iba kundi si Boyet de Leon.
***
SPEAKING of Vilma Santos, hiling ng “Darna” of this generation na si Jane de Leon ang Star for All Seasons na magkaroon ng special appearance sa finale ng hit pantaserye ng ABS-CBN pagkatapos maudlot ang guesting ni Asia’s Songbird Regine Velasquez dito.
Si Ate Vi ang pinaka-iconic at pinakamaraming “Darna” film series na nagawa. Not one, not two but four times gumawa ng “Darna” movie si Ate Vi na pawang super mega blockbusters noon.
Una, ang “Lipad, Darna, Lipad.”Sinundan ng “Darna at Ding,” then, ang “Darna and The Giants” at ang “Darna at ang Babaing Impakta.”
Sana lang ay mapagbigyan si Jane sa kanyang wish. But nonetheless, alam naman natin ang kalagayan ngayon ni Ate Vi. Naghahanda na siya para sa bonggang anniversary celebration niya sa showbusiness this year.
Nand’yan pa naman sina Angel Locsin, Lorna Tolentino, Nanette Medved, Anjanette Abayari and of course, si Megastar Sharon Cuneta.
Anyway, kudos sa tatlong direktor ng ABS-CBN serye na “Darna” na talaga namang angat na angat pagdating sa pinamalas na teknolohiyang inapply nila sa pantaserye.
Nagulat kami to find out na mga bihasa na pala sila sa paggawa ng ganitong genre na palabas sa telebisyon.
Ang tinutukoy namin na mga direktor ng “Darna” ay sina Benedict Mique, Avel Sunpungco and Darnel Villaflor.
Si Direk Benedict ay naging bahagi pala ng “Darna” series na pinagbidahan ni Angel noon.
“This is full circle for me kasi I was part of the first TV show na Darna na si Angel Locsin. I was part of the creatives then and then now, I’m directing. For a filmmaker, Darna was a playground na sobrang sarap maglaro. Minsan ka lang magkakaroon ng ganitong show na ibibigay sa iyo yung lahat ng resources to play with. As a filmmaker, it was an absolute playground. Ang sarap,” lahad ni Diremk Benedict sa finale mediacon ng “Darna” kamakailan.
Dugtong pa niya, “Actually nahihiya ako kasi ang gagaling namin pala. Kahit saan ka magtanong na parte ng bansa, nagpunta ako ng Amerika, sa Canada, pinapanuod nila yung Darna. Nakakahiya di ba, ang galing natin. Salamat sa lahat ng pumansin, bash, kasi you helped us improve. And the industry needs that.
“Boring ang buhay natin kung puro tayo, ‘Ay ang galing niyo!’ We needed that push from all of you guys who were saying both positive and negative. Because dun namin napatunayan na hanggang huli, we have billions of views and etcetera and it represented so much, hindi lang sa industry. Binuhay nito ang industry na sabi ng ABS-CBN na gagawa kami ng mahal na mahirap pero susugal kami.”
Yun na.