Carla desidido, ayaw na makatrabaho uli ang ex-hubby na si Tom; Juday pagod na magpaiyak, mananakot naman
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BUKOD sa pagsisisi ni Carla Abellana sa pagpapakasal kay Tom Rodriguez. Inamin nito na mula nung ikasal ng Oktubre 2021 at naghiwalay nung January 2022 ay never pa silang nakapag-usap.
Wala naman daw kagustuhan ang magkarelasyon ng mahabang panahon na nagpasyang magpakasal na nauwi rin sa hiwalayan.
Kung nagyari man daw ‘yun kina Carla at Tom marahil nga raw ay may plano ang nasa Itaas.
Sa vlog ni Bea Alonzo ay tutok ang mga kuwestyon nito na ex-hubby ni Carla.
Isa pa ngang natanong kung willing ba si Carla na makatrabaho muli ang ex na si Tom.
Kung si Carla lang ay ayaw na raw nito na makatrabaho pa sa kahit na anong project ang dating mister
Kaya abangers ang mga netizen kung mapanindigan ng aktres na ayaw na nitong makatrabaho si Tom.
Ganun talaga katindi ang pain na idinulot ni Tom kay Carla.
***
SECOND time around na nagkasama sa isang project sina Judy Ann Santos at Sam Milby sa Huwag Ka Lang Mawawala kasama si KC Concepcion noon.
Ngayon ay magkasama muli sina Juday at Sam para manakot.
Sampung taon na nga ang lumipas nang magsama sa isang serye sina Juday at Sam.
Kaya ang kanilang balik tambalan ay isang horror film.
Excited na sila na maka-work muli ang isa’t isa.
Kung dati nga raw ay kailangan ng tuwalya or panyo dahil halos lahat ng project ni Juday ay drama kaya naman binansagan itong drama queen.
Pero this time ay mananakot naman ito para sa bago nitong proyekto.
Kaya tanong ng netizens, napagod na ba si Juday sa pagpapaiyak kaya mananakot na lang muna?
Well, well, well…’Yun na!