Advertisers

Advertisers

Kim kinuwestyon ang pananalo ng award bilang best host, dinepensahan ng fans

0 193

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NADAMAY na si Kim Chiu sa isyu kina Vice Ganda at Karylle. Nag-trending din kasi ang name ni Kim kasabay ni Karylle dahil ang daming nag-react sa bashers ng girlfriend ni Xian Lim.
Sinasabi ng mga ito na mas pinapaboran umano ng It’s Showtime si Kim kesa Karylle, na mas matagal na sa nasabing noontime show.
Mas marami umanong exposure si Kim kesa Karylle.
Hindi rin daw deserve ni Kim ang Best Female TV Host na napanalunan sa katatapos na 35th PMPC Star Awards for TV.
Sa isang Facebook page, ipinagtanggol si Kim ng kanyang mga tagahanga.
“Whatever issues showtime is having right now with Karylle, Kim Chiu has nothing to do with it. If u need to uplift K to make her feel good pls do so but not at the expense of Kim show some respect, it is a reflection of your character.”
“Ang dami dami niyong sinasabi tungkol sa pagka panalo ni Kim Chiu sa star awards fyi siya yun pinili ng PMPC para bigyan nang ganun award, aminin natin sa hindi isa si Kim Chiu sa nagpabuhay nang @itsShowtimeNa.”
“At tigilan na yang tanggalin si Kim Chiu ek sa Showtime, di siya kailangan… Mga teh, sa panahong wala sina Jhong at Anne, sila ni Sir Ogie ang nag-fill in sa spots nila. Nawawaleyhan man kayo sa kanya, but yung energy and charm niya ang kailangan sa noontime.”
“No hate for kim chiu pero hindi ba dapat si karylle ang nasa gitna instead of her? especially ilang taon pa lang naman siya dyan lol.”
“Honestly I want Kim Chiu now more than ever to stay in Its showtime to hone her skills even more, and just make the haters hella mad since they want something to get mad at. Karylle does deserve a spotlight coz she seems so nice and I want everyone to succeed.”
“Oh my God, everyday is a battle for us Kim Chiu fans. Now we have to defend why she won an award which she clearly deserves. Your other hosts have been there for the longest time and made no impact….so how exactly is that Kimmy’s fault. The more hate, the more blessings.”
“Di na ako magtataka kung bakit nasa trending list si Kim Chiu. Move on na guys…siya na nanalo.”
O di ba, talagang to the rescue ang mga tagahanga ni Kim para ipagtanggol siya.
***
SA storycon ng isang pelikula na magkasama sina Nora Aunor at actress-director Gina Alajar, sinabi ng huli na natutuwa siya na makakatrabaho na naman niya ang una.
“Natutuwa ako dahil kasama ko na naman ang kumare ko,” sabi ni Direk Gina.
Ayon kay Direk Gina, nagkasama sila ni Nora sa limang pelikula, ang “My Little Brown Girl” (1972), “Condemned” (1984), “Bulaklak ng City Jail” (1984), “Tatlong Ina, Isang Anak” (1987), at “Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?” (1990).
“Du’n sa Tatlong Ina, Isang Anak, beybing-baby pa si Lotlot (de Leon). My Little Brown Girl, mare, Nora-Tirso (Cruz III) pa noon. Sampaguita Pictures. Fourteen years old ako noon, mare,” pagpapaalala ni Gina kay Nora.
Itinama naman ni Ate Guy ang sinabi ng actress-director, 12 years old pa lang daw noon si Gina at hindi 14. Sagot ni Direk Gina, “Ah, 12… 12… tama. Parang ganu’n. Oo, yeah, nag-aaral ka pa noon e. From school, nagpupunta ka sa shooting. Nag-aaway pa kayo ni Tirso.”
Si Direk Gina ang direktor ng huling serye na ginawa ni ate Guy sa GMA 7, ang Onanay.
Pagbabalik-tanaw naman ni Ate Guy, “Nu’ng Onanay po namin, may eksena ako na iiyak dahil namatay si Gardo, yung kapatid ko. Ay! Hindi ako makaiyak pagdating sa mga ganyan.
“Nilapitan ko si Direk. Sabi ko, ‘Direk, ninenerbiyos ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin kong iyak.’
“Kasi alam kong hindi ako makakaiyak, baka mamaya, sa sarili ko, kaplastikan ang ipapakita ko? E, hindi pwedeng ganu’n. Kailangan totoo at nararamdaman ko kung ano ang gagawin ko lalo na pag iyakan at drama talaga.
“Tapos, sabi sa akin…ewan ko, ano ba ang ginawa mo sa akin at napaiyak ako talaga?” sey ni Ate Guy kay Direk Gina.
Sey naman ni Direk Gina, “Inakbayan yata kita.”
Reaksyon ni Ate Guy, “Inakbayan ako. May sinabi sa akin si Mare tapos pinisil ang kamay ko. Ayun, naiyak na ako, ‘Sige na, sige na,’ sabi niyang ganu’n. ‘Take na tayo, take na tayo!’ sabi niya.
“Sa awa ng Diyos, nakuha ko naman po iyong pinapagawa sa akin ni Direk. At nagpapasalamat ho ako dahil nagustuhan ng mga nakapanood yung eksena namin na yun, yung emosyon.
“Kaya thank you, Direk, thank you very much. Dito, hihintayin ko uli yung pagtuturo mo sa akin, ha?” aniya pa.
Inamin din ni Ate Guy na sumama dati ang loob ni Direk Gina sa kanya, “May kasalanan akong nagawa sa kanya, na totoo naman, aminado ako na kasalanan ko naman.
“Pero kinausap niya ako at marunong siyang magpatawad sa kapwa. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya na… yun ang kumare ko, na marunong umintindi, maunawain at mapagmahal na direktor at artista at kumare,” pahayag pa ni Ate Guy.