Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AFTER mapanood ni Aica Veloso sa seryeng High On Sex sa Vivamax, bilang isang babaeng bitchy at bully, at sa pelikulang Bata Pa Si Sabel, ginagawa ngayon ng magandang aktres ang pelikulang Paupahan ni Direk Louie Ignacio.
Ito’y mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at line producer dito si Dennis Evangelista.
Mula sa panulat ng prolific actess/writer na si Quinn Carrillo, tampok sa pelikula sina Tiffany Grey, Jiad Arroyo, Rob Guinto, Princess Zian, at iba pa.
Ano ang role niya sa Paupahan?
“Ang role ko po rito ay isang seductive girl na pumasok sa life ni Jiad Arroyo,” matipid na tugon ni Aica.
May love scene ba sila sa movie at first time ba silang nagkatrabaho?
Paliwanag ng alaga ni Jojo Veloso, “Abangan po nila sa movie na Paupahan, sa mga susunod na eksena kapag ito’y nailabas na…
“Bale second time na kaming nagka-work ni Jiad, iyong first one is sa series na High On Sex.”
Ayon pa sexy actress, very soon ay magkakaroon na siya ng lead role sa mga gagawin niyang projects.
“The long wait is over po, like makakakuha na ako ng leading role ko this year,” masayang sambit pa ni Aica.
Nabanggit din ng aktres ang kanyang dream role.
Aniya, “Ang dream role ko is iyong gumanap na taong grasa and island girl, gusto kong i-challenge ang sarili ko sa mga matured and madugong scenes.
“Na iyong tipong mapapa-‘unbelievable’ itong nagawa ni Aica na movie, yung pag-uusapan ng madla at tatak sa mga isipan nila, bilang isang solid and brave actress ang napanood nila,” nakangiting wika pa ni Aica.