Advertisers

Advertisers

Sen. Lacson: Taga-PhilHealth walang kaluluwa

0 160

Advertisers

MULING bumanat si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth. Ayon kay Lacson hindi bagay ang salitang soul searching sa mga taong walang kaluluwa. Ipinaliwanag ng senador na tila wala nang kaluluwa ang mga opisyal ng state owned insurance agency dahil sa pananamantala nito sa COVID-19 pandemic. “Corruption in PhilHealth to take advantage of a pandemic is worse than the deadly coronavirus itself because of its evil intent and purpose… Soul searching is only for people who have souls,” wika ni Lacson sa kanyang post sa Twitter. Tahasang tinukoy ng mambabatas si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na walang ginawa bilang ex-Officio Chairman ng PhilHealth board. Naniniwala si Lacson na sapat na ang mga ebidensyang nakalap ng Senado para mapakasuhan ang mga tiwali sa PhilHealth batay sa mga dokumento at sinumpaang testimonya na lumabas sa senate inquiry. (Mylene Alfonso)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More