NPA ang dapat kondinahin ni Kabataan Partylist Rep. Elago

46

Pakisabi nga po kay Sarah Elago na sa halip na pagkondina sa heneral na nagtratrabaho para sagipin ang mga kabataan at mga kababayan sa maling ideolohiya, bakit hindi mga NPA at kapwa recruiter ang kanyang kondinahin. Sa halip na itanggi ang listahan ng mga paaralan ay pag-aralan at siyasatin ang paratang para masolusyonan at hindi mangyari ang hindi dapat. Hindi ba’t iisa lang naman dapat ang adhikain ng gobyerno at ng kabataan partylist? Ang kapakanan, kaligtasan at kaayusan ng mga kabataan, ano’t patuloy paring itinatanggi e marami na ngang katibayan na may nagaganap na recruitment at radikalisasyon sa loob ng mga unibersidad. Mariin ding pinaninindigan ng hanay ng gobyerno na hindi sisikilin at pipigilan ang malayang paghahayag ng disgusto. Tinatakot lamang ang masa ng maling interpretasyon at ideyolohiya ng mga gustong magpabagsak ng administrasyon.

Pati pusher nabigyan ng SAP
sa Brgy 337, Manila
MORNING PO. REKLAMO KO PO KAY MAYOR AT SA DSWD. DITO SA BRGY. 337 ZONE 34, ANG MGA NAKAKUHA NG SAP PURO KAIBIGAN AT KAMAG-ANAK NG BRGY OFFICIALS. ANG NAGBIGAY NG FORM SI NING2 NA KAMAG-ANAK NG KAGAWAD. NAKAKUHA ANG PUSHER NA SI GIL NA TRICYCLE DRIVER, ANG ANAK TIG-16 THOU, DOON BOTANTE PERO SA ALVAREZ NAKATIRA AT YUNG BLACK RICE NA BIGAY NI MAYOR BINIGAY LISTAHAN LUMA. PINAPIRMA PA KAMI WALA NA KAMI NAKUHA. YUNG KAGAWAD NA NAG-ASIKASO SIMPLENG CORRUPT, PATI SPAGHETTI WALA KAMI NAKUHA. ALAM NAMIN WALA RING MANGYAYARI. KATWIRAN NILA MAHULI ‘DI BIGAY. DAPAT MAWALA NA MGA ITO. SALAMAT PO!

Leave A Reply

Your email address will not be published.