2 Customs district collectors sinibak

54

SINIBAK sa pwesto ang dalawang kawani ng Bureau of Customs sa lalawigan ng Bataan nang masangkot sa fuel smuggling.
Ayon kay Customs Commissioner Leonardo Guerrero, isasailalim rin sa lifestyle check sina Guillermo Pedro Francia, District Collector sa pantalan ng Limay; at Tomas Tagra Jr., ng Sub-Port ng Mariveles sa nabanggit na lalawigan.
Nakatanggap ng sulat si Guerrero mula sa isang grupo ng concern citizen na nirereklamo ang talamak na fuel smuggling sa mga pantalan na sanhi ng bilyong piso na pagkalugi ng gobyerno.
Pansamantalang papalit sa binakanteng pwesto sina Gregorio Tomagan, Jr., bilang customs collector ng Mariveles port; at William Balayo na bagong district collector ng Limay port.
Nabatid na nakatanggap rin ng reklamo si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa concern citizen sa Bataan nito lamang Pebrero 3, 2021 na dinadala umano ang smuggled na diesel sa bahagi ng Bataan, Bulacan at Cavite.
(Thony Arcenal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.