Mister binigti ang misis na nakikipaghiwalay saka naglason-patay

43

PINATAY ng isang mister ang kanyang misis na nakikipaghiwalay sa kanya at nagpakamatay rin ito sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa Lapu-Lapu city.
Kinilala ang mga namatay na sina Giovanni Capangpangan, 45; at asawa nitong si Michelle, 38, kapwa residente ng Poblacion Occidental, Consolacion City.
Sa report, 11:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang Denash Jewelry Repair Shop sa Punta Rizal Street, Barangay Pajo, ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng report ang mga otoridad mula sa kapatid ni Giovanni na si Eva Capangpangan Patalinghug na nakita nito ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng shop ng mga ito.
Sa pagresponde ng mga pulis, nakita nila ang cable wire sa leeg ni Michelle na siyang ginamit sa pagbigti ni Giovanni sa misis, habang nakahandusay naman ito sa sahig wala na ring buhay nang lumagok ng kemikal na ginagamit sa paglilinis ng mga alahas.
Natagpuan sa lugar ang suicide note ni Giovannie para sa kanyang mga anak na nagsasaad na: “Mga anak, morani tubag sa tan. Kuyog ko sa iyo mama. Pasayloa ko, o sasama na ako sa inyong mama, patawarin nyo ako.”
Kuwento ng mga kaanak ng mag-asawa, bago ang insidente nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa dahil gusto nang makipaghiwalay ni Michelle subali’t hindi pumapayag si Giovanni.
Ayon naman kay Eva, nagtataka siya kung bakit nakasarado ang jewelry shop ng mag-asawa habang nakabukas ang aircon kaya nagpatulong na itong sirain ang pintuan at tumambad sa kanila ang bangkay ng mag-asawa.
Naniniwala ang mga otoridad na posibleng pinatay ni Giovannie ang kanyang misis saka siya nagpakamatay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.