Advertisers
NAGSASAGAWA na ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng dalawang mayors sa Tarlac na kapwa nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Capas Municipal Health Office (MHO), posibleng nahawa si Mayor Reynaldo Catacutan habang ginagampanan ang trabaho.
Pero magkakaroon parin ng skeletal force, upang matugunan ang mga kailangan mula sa tanggapan ng alkalde.
Maliban sa Capas mayor, nagpositibo rin sa virus si Concepcion Mayor Andy Lacson.
Una nang naging sentro ng batikos si Mayor Lacson dahil sa pagtutulak nitong open-air food park at sa paggamit ng face mask na may exhalation valves.
Dahil sa pagpositibo ng dalawang opisyal, buong tanggapan ng mga ito ang ipinasara ng ilang araw para sa mandatory disinfections. (PFT Team)