Advertisers

Advertisers

Negosyante nilooban at pinatay sa harap ni misis

0 322

Advertisers

CAGAYAN – Pinatay sa pamamagitan ng pagpalo sa ulo sa biktima ng limang lalaki sa bulubunduking bahagi ng Barangay Adaoag, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Reynante Jose, 60 anyos, ng Barangay Adaoag, at nagba-buy and sell ng mga kalabaw at baboy.

Ayon kay Norma na misis ng biktima, matutulog na sana sila kasama ang kanilang isang apo nang may narinig silang boses mula sa labas ng kanilang tahanan na tinatawag ang kanyang mister at ipinapaalam na namatay ang kanyang kapatid.



Dahil dito, lumabas ang biktima para tingnan kung sino ang mga tumatawag sa kanya, pero laking gulat na lamang ng pamilya nang hilain ng isang salarin si Reynante palabas ng kanilang bahay habang pumasok naman ang isa pang salarin at tinutukan si Norma ng matulis na bagay kasabay ng pilit na paghingi ng kanilang pera.

Dala ng takot, kaagad inilabas ni Norma ang pera na nagkakahalaga ng halos P300,000 at ibinigay sa mga salarin.



Bago pa man makalabas ang mga salarin sa bahay ng mga biktima, tinalian si Norma maging ang menor-de-edad na apo habang paulit-ulit na pinalo ng kahoy si Reynante sa kanyang ulo na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Hindi nakilala ni Norma ang pumasok sa kanilang bahay dahil nakasuot ito ng bonete.



Pero hinala ni Urian, maaaring nakilala ng napatay ang mga salarin kung kaya’t tuluyan nila.

Nasa bulubunduking bahagi ng lugar at mag-isa lamang ang bahay ng mga biktima kung kaya’t hindi sila kaagad nakapagtawag ng tulong.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.(Rey Velasco)