Advertisers
Ikinagulat ng mga residente ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa Brgy. Tigbe sa bayan ng Norzagaray, Bulacan.
Kasunod nito ang pag-ulan din ng malalaking butil ng yelo sa kanilang mga bubong ng bahay at bakuran at nanalanta rin ang buhawi, 3:00 ng hapon nitong Biyernes.
Makikita sa palad ni Riz Pascual ang malaking tipak ng yelo na pinulot nito sa labas ng kanilang bahay.
Maging ang ilang pang residente na sina Maria Isabel Cayaban Alcarez at Famela Damiar, ipinakita ang mga animo’y holen na naipon sa isang lugar ng kanilang bakuran.
Sa kuhang larawan ni Lulu Hernandez, makikita sa isang plangana, ang parang bunton ng shabu pero mga naipon na yelo ang mga ito.
Butas butas naman ang bubong na yero ni Nanay Raquel Cayaban ng Sitio Gulod Brgy. Tigbe dahil sa malakas pag-ulan ng yelo.(Thony Arcenal)