Advertisers

Advertisers

Fully vaccinated dapat puede na sa dine-in – DTI

0 343

Advertisers

NAIS ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na payagan na ang mga fully vaccinated na makapasok sa mga business establishments na bawal pa mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ay matapos na palawigin pa ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ang MECQ sa Metro Manila at ilang lugar hanggang Setyembre 7.

Paliwanag ng kalihim, ang isang fully vaccinated ay dapat na payagan makapag-dine in at maka-avail ng mga personal care sevices, kahit na bawal pa mag-operate habang MECQ.



Layunin umano ng polisiya na maengganyo ang mga tao na magbakuna.

Samantala, ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi umano prayoridad na ipatupad ang naturang prayoridad dahil marami pa ang mga hindi nababakunahan, hindi dahil sa ayaw nila, kundi dahil kulang din ang suplay ng bakuna.



Hindi umano ito patas para sa mga nais mabakunahan subalit hindi pa nababakunahan dahil kulang pa ang bakuna. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">