Advertisers

Advertisers

Xian dream na makasama sa Siyete sina Marian at Heart; Rufa Mae naloka na sa pandemya kung walang vlog

0 294

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NGAYON nga na Kapuso actor na si Xian Lim ay may mga posibleng Kapuso actress na gusto nitong maging leading ladies.

Bukod kay Jennylyn Mercado na buwena mano na magiging leading lady ni Xian sa bagong serye na pagtatambalan nila, may mga Kapuso actress pa rin siyang type makapareha bukod kina Jennylyn at Bea Alonzo na nakasama na niya noong Kapamilya pa sila.



May dalawa pa nga raw na Kapuso actress na gustong makasama ni Xian.

Sina Marian Rivera at Heart Evangelista ang mga target na makasama ni Xian bukod kina Jennylyn at Bea.



Happy naman si Xian sa very supportive gf na si Kim Chiu.

Kung pagpapakasal naman ang pag-uusapan nina Kim at Xian ay never pa raw nila napag-uusapan.



May mga gusto pa raw silang gawin sa kani- kanilang mga career bago pa man sila magpakasal.

***

MAHIGIT isang taon na rin sa Amerika si Rufa Mae Quinto at doon na inabutan ng pandemya kasama ang pamilya.

Kahit naman si Rufa Mae eh aminado na apektado na siya ng nararanasan na pandemya.

Simula nga raw na mawalan ng raket ay nagtuluy-tuloy si Rufa Mae sa nasimulang vlogging noong 2018.

Dahil bawal naman lumabas dahil sa killer virus kaya naihalintulad nito ang buhay na parang horror.

Buti na lang daw at may YTC ito na may 400,000 subscribers na kumikita na rin siya.

Sa pamamagitan ng vlogging ay nalilibang si Rufa Mae na siya na rin ang writer, editor at cameraman. Kung wala nga raw ang kanyang vlog ay baka maloka-loka na siya.

Well, well, well…’Yun na!