Advertisers
CENTRAL MINDANAO – Alitan sa pamilya ang natatanaw na motibo sa pamamaril sa magkakamag-anak sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga sugatan na sina Jay-r Atam Dimasangkay, 20; Taha Saligan Sambutol, 78; at Jaime Tangkili Bansala, 33, mga residente ng Barangay Lower Minggading Aleosan Cotabato.
Ayon sa ulat ng Aleosan Municipal Police Station na matutulog na sana ang mga biktima nang biglang pasukin ng mga hindi kilalang salarin ang kanilang bakuran at pinaputukan gamit ang M16 armalite rifles o 5.56 caliber.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Aleosan sakay ng dalawang motorsiklo.
Agad dinala ang mga biktima ng kanilang pamilya sa Aleosan District Hospital at nasa maselang kondisyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa pamamaril sa mga biktima.