Advertisers

Advertisers

Derek at Ellen, may prenup pics na; Kim at Jerald, pandemic loveteam ng Viva

0 324

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING followers ang magsyotang Derek Ramsay at Ellen Adarna, na nang magparamdam ng sa kanya-kanyang social media account ay halos magkaparehong larawan at parehong background, as in nasa sa isang madamong lugar ang dalawa.

Kuntodo bihis sina Ellen at Derek kaya agad itong nabigyan ng pakahulugan ng mga netizen, isang prenups photo ang mga larawan.



Sa isang larawan ni Derek ay nilagyan niya ito ng caption na “Hey E” samantalang sa solo photo naman ni Ellen ay sinagot niya ito ng  “Heyy D”.

Kung prenup photos man ang mga pinost nina Ellen at Derek, nangangahulugan lang na abala na ang dalawa sa nalalapit nilang pagpapakasal at malamang matuloy ang balak ng dalawa na bago matapos ang taong ito ay magpapakasal na sila. At mayroon pang taning ang mga supporters nila hanggang December 31 para mangyari ang kasalan.



Nauna na sa  prenups photos ay ang pagkalat din ng mga larawan ng imbitasyon umano ng kasal ng dalawa.

At kung matutuloy ngayong taon ang kasal nina Ellen at Derek, masasabi na ngang ang pagmamahalan na nabuo sa loob ng isang taon. February ngayong taon ng maging magsyota ang dalawa at sumunod na buwan, Marso ay nagpropose na agad si Derek ng  kasal sa nobya.



***

MARAMI ang nagsasabing  pandemic version ng loveteam nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa Viva, ang loveteam nina Jerald Napoles at Kim Molina.

Dahil sa kabila ng health crisis sa bansa ay sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa ng reel and real life loveteam. At kahit sa ibang platform ito ipinalabas ay kumita ang mga pelikulang nagawa ng dalawa.

Una nga sa “Jowable” at nasundan pa ng “Babaeng Walang Pakiramdam” and “Ako at Ikaw at ang Ending.”

Ngayon ay muling nagsama sa isang pelikula ang magdyowa, “Sa Haba ng Gabi”, a zombie movie. But wait, sa naturang bagong movie ng Viva Films ay hindi na silang dalawa ang magka-loveteam, si Candy Pangilinan na ang love interest ni Jerald. Nagkasawaan na ba ang dalawa kaya minabuti nilang maghiwalay muna sa bagong movie na natapos nilang gawin?

Pabor din kaya si Kim na kahit kasama niya sa pelikula ang dyowa ay iba ang katambal nito?

“Okay lang para maiba naman. We don’t miss romancing each other here kasi sa last movie naming ‘Ikaw at Ako’, nabigay na namin ang lahat sa dami ng love scenes namin. Baka maumay naman ang audience kung ganun na namn ang gagawin namin.

“Also, we really want to do different kinds of movies,” say ni Kim.

Sa dami ng pelikulang nagawa nila ngayong taon at kahit may pandemya pa, masasabing ang loveteam nilang magdyowa ang paboritong loveteam ng Viva sa ngayon.

“Di naman kami favorites. Ang dami namang artista ng Viva na sunud-sunod ang ginagawang projects. We’re just grateful kasi, lahat kami sa Viva, binibigyan ng work during this pandemic na yung iba, walang work. So pinagbubutihan na lang namin lagi ang trabaho namin. We’re just very lucky,” dagdag pang say ni Kim.