Advertisers

Advertisers

Julia nag-post ng pregnancy test sa Tiktok

0 386

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PALAISIPAN sa 6.3M Tiktokers kung kay Julia Barretto ba ang pregnancy test na ipinost nito sa kanyang Tiktok account.

Dinagsa ng naparaming views ang nasabing pregnancy test post. At ang kakaloka pa ay positive ang pregnancy test na ipinost ni Julia.



Kaya naman iisa lang ang tanong ng mga Tiktokers, preggy na ba si Julia?

Matatandaan na sa ilang panayam kay Julia ay inihayag niya na gusto na nito na makabuo ng pamilya at magkaanak  at ayaw nito na madyonda na siya bago magkaroon ng supling.



Kung hindi naman sa kanya ang ipinost nito na pregnancy test ay kanino naman kaya ‘yun at sino ang preggy?

Hmmmp!?



***

Paulina Sotto ipinagsisigawan na Leni Robredo sa 2022

HINDI naman kaya maging dahilan ng tampuhan sa pamilya Sotto na magkakaiba sila ng pananaw sa pagboto sa eleksyon sa 2022?

Isa ito sa anak ni Vic Sotto na inihayag at ipinagwagwagan sa kanyang IG post ang suporta  kay Leni Robredo para sa 2022 Presidential election.

Laban Leni, Let Leni Lead at Leni in 2022 at pagbandera ng kulay KakamPink ‘yan naman agad ang bubulaga sa IG ni Paulina.

Wala naman tampuhan na magaganap sa pamilya Sotto dahil magkaibang posisyon naman ang tinatakbo ng kanyang uncle na si Tito Sotto na sa pagka-Vice President naman ang takbo nito.

Kaya parang wala namang conflict at walang tampuhan na magaganap sa pamilya.

Samantala, medyo nadismaya naman si Ciara Sotto sa pagtakbo ng hubby ng pinsan nito na si Sharon Cuneta.

Magkalaban kasi ang Daddy ni Ciara na si Tito at hubby ng cousin na si Kiko Pangilinan sa pagka- VP din.

Parang dyunakis na nga raw sa pamilya si Sharon kaya tila may tampo si Ciara sa pinsan na si Sharon.

Wish na huwag naman umabot sa magkasira-sira ang pamilya dahil sa parating na halalan sa 2022.

Well, well, well…’Yun na!