Advertisers

Advertisers

Trak syut sa bangin: 15 sugatan

0 385

Advertisers

KALINGA – Sugatan ang 15 pasahero nang mahulog ang sinasakyang trak sa 10 metrong lalim na bangin sa Barangay Nambaran, Tabuk City.

Sinabi ni Colonel Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), na magkakamag-anak ang mga biktima na kinabibilangan ng pitong menor de edad na pawang residente ng Brgy. San Pascual, Rizal, Kalinga.

Pababa na sana ang truck sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy Nambaran nang mawalan ng preno ang sasakyang minamaneho ni Noriel Aragon, 34 anyos, kaya dumiretso ito sa bangin.



Nagtamo ng head injury ang 30-anyos na si Melnard Bawagan Sr., pero nasa ligtas nang kalagayan habang galos at sugat lamang ang tinamo ng iba pang pasahero at driver.(Rey Velasco)