Advertisers

Advertisers

Covid update: 863 bagong kaso; 791 gumaling; 142 sawi

0 87

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 863 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Samantala ay mayroon namang naitalang 791 na gumaling at 142 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (17,853) ang aktibong kaso, 97.7% (2,764,517) na ang gumaling, at 1.70% (48,017) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 24, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng face mask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More