Advertisers

Advertisers

Bagong COVID-19 variant na na-detect sa South Africa tinututukan ng DOH, IATF

0 98

Advertisers

NAKATUTOK ngayon ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) sa bagong variant ng COVID-19 na na-detect sa South Africa.

Sinabi ni Cabinet Secreatry at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa World Health Organization (WHO) kung idedeklara ba ito bilang isang variant of concern o variant of interest.

Ayon kay Nograles, hindi naman nagpapabaya ang Pilipinas at patuloy ang pagsasagawa ng genomic surveillance sa COVID samples upang ma-monitor pa rin ang mga variant ng virus sa bansa.

Sinabi pa ni Nograles na nakaantabay ang Pilipinas sa development kung mahigpit na restriksyon sa South Africa o sa mga kalapit na bansa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More