Advertisers

Advertisers

76 party-list groups at political parties inalis sa listahan para sa ’22 polls – Comelec

0 96

Advertisers

KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na 76 party-list groups at political parties ang inalis nila sa listahan para sa halalan 2022.

Kabilang dito ang 1-Ako Driver, Ipaglaban Mo, Ang Pederalismo, Antigo-1, Justice Redeemed, Dugong Dakilang Seaman, Maharlika People’s Party, Ang Bagong Barangay Natin at OFW Coalition Party.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa ilalim ng batas, kailangang makakuha ang mga party-list group ng kahit porsiyento sa total number ng mga botante para magkaroon ng upuan sa House of Representatives.

Dagdag pa ni Jimenez, na ang mga lalagpas naman ng two-percent threshold ay mabibigyan ng karagdagang upuan depende sa dami pa rin ng bilang ng boboto sa naturang partylist.

Nilinaw pa nito na sa mga hindi naman magkakaroon ng 2-percent requirement ay maari pa ring makakuha ng puwesto sa Kamara base na rin sa party-list law dahil dapat ay 20 percent ng mga House members ay mula sa party-list. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More