Advertisers

Advertisers

Higit 65-M botante para sa 2022 polls – Comelec

0 96

Advertisers

AABOT sa mahigit 65 milyon na mga botante ang inaasahang boboto sa 2022 national at local elections.

Sinabi ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez, ang registration period para sa eleksyon 2022 ay nagdagdag ng 8,147,080 na botante.

Kasama sa figure ang mga muling nag-activate ng kanilang registration sa Comelec.

Sa ngayon, ang inaasahang bilang ng mga botante para sa 2022 ay nasa 65.5 milyon na.

Sa buong proseso ng pagpaparehistro, idinagdag nila sa listahan ng mga botante ang kabuuang 8,147,080.

Sa usapin ng mga bagong rehistro, sinabi ni Jimenez na mayroong 4,094,614 na bagong botante na may edad 18 hanggang 21-anyos.

Karamihan sa mga bagong rehistro ay kabilang sa 21-anyos na kinapapalooban ng 750,578 lalaki at 796,891 babae.

Samantala, nasa 171,033 ang bilang ng mga bagong rehistrado na tumuntong sa edad na 18-anyos.

Ang nasabing bilang ang pinakahuling datos na inilabas ng Comelec mula nang matapos ang voters registration period.

Nakatakdang isagawa ang 2022 national at local election sa Mayo 9, 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More