Advertisers

Advertisers

P33 DAGDAG-SAHOD SA NCR EPEKTIBO SA JUNE 3

0 393

Advertisers

INANUNSYO ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pamamagitan ni DOLE-Information and Publication Services director Rolly Francia na epektibo na simula sa Hunyo 3 ang P33 na minimum wage increase sa Metro Manila.

Sinabi ito ni Francia matapos aprubahan o i-confirm ng National Wages Productivity Commission ang rekomendasyon na nagtataas ng P33 bawat araw para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Dahil dito, simula sa susunod na buwan, ay magiging P570 na ang minimum wage para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at P533 sa agriculture sector.



Samantala, kung mailalathala ang wage order para sa Western Visayas ngayong araw, Mayo 19, magiging epektibo rin ang dagdag-sweldo ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon sa Hunyo 3.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">