Advertisers

Advertisers

Dalagita paulit-ulit pinarausan ng ama, nabuntis

0 504

Advertisers

Nabuntis ang 17 anyos na dalaga nang halayin ng sariling ama sa Cabuyao, Laguna.

Ayon sa ulat, nagsumbong ang biktima sa mga barangay official nitong Linggo ukol sa ginagawa sa kanya ng ama.

Sinabi ng biktima na ilang beses na umano siyang pinagsamantalahan ng kanyang tatay magmula noong nakatira pa sila sa Bacolod City.



Ayon sa biktima, ginagahasa rin siya nito nang makalipat sila ng bahay sa Antipolo City.

Samantala, nang makalipat sa kasalukuyang tirahan sa Cabuyao, nakaramdam ang biktima ng sintomas ng pagbubuntis subali’t hindi siya makahingi ng saklolo dahil sa pagbabanta ng suspek.



Ngunit dahil sa hindi na makayanan ang dinadalang problema, napagdesisyunan na ng 17 anyos na magsumbong sa mga awtoridad.

Dahil dito, agad na inaresto ang suspek sa kanilang tahanan nitong 7:20 ng gabi at nahaharap sa kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">