Advertisers
NASAWI ang tatlong katao habang 5 ang sugatan nang salpukin ng dump truck ang isang tricycle sa Clarin, Bohol.
Kinilala ang tatlong nasawi na si Joelito Torremocha Avenido, Maximo Avenido Yolego, at Shirly Torrefiel Abesia; habang nilalapatan naman sa Clarin Community Hospital ang mga sugatan sina David Dapit, 9 anyos; Cleofe Secretaria Avenido, 53; Melodina Torrefiel, 55 ; at Dioscoro Torrefiel, 53; at tricycle driver na si Arvin Sucubos, na pawang taga Mahanay Island, Bohol
Samantala nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng truck na si Saturnino Tirol Jr., ng Inabanga, Bohol.
Ayon kay SSgt Reno Cruz, 10:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Brgy. Bacani, Clarin, Bohol.
Nabatid na patungo sa Clarin ang dump truck na mimamaneho ni Tirol galing sa Sagbayan nang mawalan ng kontrol sa manibela at nabundol sa isang sasakyan bago sumalpok sa isang tricycle sakay ang mga biktima.
Agad naman dinala ang mga biktima sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay ang tatlong biktima sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.
Sumuko si Tirol sa mga otoridad na nahaharap sa mga patong patong na kaso. (Mark Obleada)