Advertisers

Advertisers

Singil sa kuryente tataas ngayong Hunyo

0 262

Advertisers

INAASAHANG tataas ang bayarin sa kuryente sa Hunyo.

Kinumpirma ng Meralco nitong Huwebes na may mga factor o dahilang puwedeng magpataas sa singil sa kuryente sa June billing.

Kabilang umano rito ang pagsirit ng presyo ng petrolyo dahil maraming planta ng kuryente ang gumagamit ng coal at natural gas bilang panggatong, na nakaangkla naman sa presyo ng langis sa world market.



Ayon sa sources sa industriya, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada kilowatt hour (kwh) ang magiging dagdag-singil sa June billing.

Ayon naman sa Energy Regulatory Commission (ERC), mabuti na lang at umiiral pa ang 3 magkakasunod na refund na iniutos nila, na nagkakahalagang halos P1 kada kwh.



Pero aminado ang ERC na hindi nito kayang pigilan ang pagsipa sa presyo ng langis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">